更新日:2024年12月25日
- Sistema Para sa Espesyal na Perang Reward sa Imbestigasyon (Pampublikong Perang Reward)
- Mga Kasong Babayaran ng Private Cash Reward
Sistema Para sa Espesyal na Perang Reward sa Imbestigasyon (Pampublikong Perang Reward)
Ang sistema para sa espesyal na perang reward sa imbestigasyon ay nagpapatupad ng notice sa perang reward batay sa Article 529 at 532 ng Civil Law. Sinasabi sa sistema na ito na bukas ito para sa sinumang nagbigay ng mahalagang impormasyong hahantong sa pag-aresto ng isang pinaghihinalaan sa isang mabigat na kasong itinakda ng National Police Agency at babayaran ng perang reward, batay sa kontribusyong naibigay niya sa imbestigasyon.
Pagpapatupad ng Notice
Mga Kaukulang Kaso
1 Mga kasong itinakda ng National Police Agency bilang espesyal at importante
2 Mga kasong malaki ang epekto sa publiko o mga importanteng kaso at ang mga sumusunod na kaso
- Kasong pagpatay ng tao, pang-aagaw na may kasamang karahasan, panununog (arson)、pakikipagtalik nang walang pagpayag , sapilitang pagkidnap at mga kasong nagbigay ng malaking pinsala sa katawan o sa buhay ng tao
- Kasong nagbigay ng malaking hadlang sa opisyal na aktibidad dahil sa pananakot o iba pang paraan
- Kaso ng Special Investigation Team
- Kasong kinikilalang angkop sa pagpapatupad ng Sistema para sa Espesyal na Perang Reward sa Imbestigasyon, batay sa nilalaman ng kaso o kondisyon ng imbestigasyon
Pinakamalaking Perang Reward
Bilang patakaran, 3 milyon yen ang perang reward (pero kung kakailanganin, dadagdagan ito na hindi hihigit sa 10 milyon yen)
Panahon ng Notice
Bilang patakaran, 1 taon (pero kung kakailanganin, maaaring habaan o iklian ang panahon ng pagpapaalam)
Paraan ng Notice
Ilalagay ng Commissioner General ng National Police Agency sa website ng National Police Agency ang mga impormasyong may kinalaman sa pangalan ng kaso, kondisyon ng pagbabayad ng perang reward, halaga ng pinakamalaking perang reward, pagpapasya ng paraan ng pagbabayad ng perang reward, panahon ng notice, kondisyon ng hindi pagbabayad ng perang reward at seksyong pagbibigyan ng impormasyon.
Pagbabayad ng Espesyal na Perang Reward sa Imbestigasyon
Babayaran ng National Police Agency ng espesyal na perang reward ang sinumang nagbigay ng impormasyon tungkol sa kaso, batay sa kontribusyong naibigay niya sa imbestigasyon. Itatakda rin ng National Police Agency ang halaga ng perang reward na ipinaalam sa lahat at ito ay hindi hihigit sa pinakamalaking halaga
Kung marami ang nagbigay ng impormasyon, hahatiin ang perang reward sa mga nagbigay ng impormasyon, batay sa kontribusyong naibigay nila sa imbestigasyon.
Eksepsyon sa Pagbabayad ng Espesyal na Perang Reward sa Imbestigasyon
1 Taong hindi nagbigay ng impormasyon tungkol sa sarili niya
2 Mga pulis at staff ng police station
3 Ang mismong pinaghihinalaan, mga kasabwat sa kaso at mga taong gumawa ng krimen o nagdulot ng pinsala sa public safety o order.
4 Bukod sa mga itinakda sa1-3, taong hindi ipinalalagay na dapat bayaran ng espesyal na perang reward, batay sa opinyon ng publiko.
Mga Kasong itinakda sa Tokyo Metropolitan Police Department
Pangalan ng Kaso | Kailan Naganap | In-charge ng Kaso | Panahon ng Notice |
---|---|---|---|
Robbery and murder involving a family of 4 in Kami-Soshigaya 3-chome1 | Dec. 31, 2000 | Seijo Police Station | Dec. 16, 2024~.Dec. 15, 2025 |
Robbery and murder with a gun in the office of a supermarket in Owada-cho2 | July 30, 1995 | Hachioji Police Station | July 30, 2024~ July 29, 2025 |
Arson and murder of a female university studet in Shibamata 3-chome3 | Sep. 9, 1996 | Kameari Police Station | Sep. 9, 2024~Sep. 8, 2025 |
ROPPONGI NIGHT CLUB MURDER CASE4 | Sep. 2, 2012 | azabu Police Station | Nov. 1, 2024~Oct.31, 2025 |
For details, click on each case name.
1 For the robbery and murder in Kami-Soshigaya 2-chome, the Private Cash Reward may be applicable, in conjunction with the Investigation Special Cash Reward.
2 For the robbery and murder in Owada-cho, the Private Cash Reward may be applicable, in conjunction with the Investigation Special Cash Reward.
3 For the arson and murder in Shibamata 3-chome, the Private Cash Reward may be applicable, in conjunction with the Investigation Special Cash Reward.
4 For the ROPPONGI NIGHT CLUB MURDER CASE, the Private Cash Reward may be applicable, in conjunction with the Investigation Special Cash Reward.
Mga Kasong Babayaran ng Private Cash Reward
Mga kasong babayaran ng private cash reward ay mga kasong babayaran ng perang reward maliban sa sistema para sa espesyal na perang reward sa imbestigasyon.
Mga Kaso sa Tokyo Metropolital Police Department
Pangalan ng Kaso | Kailan Naganap | In-charge ng Kaso | Panahon ng Notice |
---|---|---|---|
Robbery and murder of a pawnshop owner and his wife in Kitasuna 7-chome | Dec. 9, 2002 | Joto Police Station | Dec. 25, 2024~Dec. 24, 2025 |
Paki-click ang pangalan ng kaso para sa detalye.
Maliban sa mga kaso sa Tokyo Metropolitan Police Department, magtanong kayo sa mga police department ng mga prefecture na may kaugnayan.
Para sa imporasyon
Tokyo Metropolitan Police Department
TEL 03-3581-4321(警視庁代表)
情報発信元
警視庁 刑事総務課 刑事企画係
電話:03-3581-4321(警視庁代表)
